Ikinatuwa ng Palasyo ng Malacañang ang pagbaba ng bilang ng mga Pilipinong nagugutom sa bansa base sa resulta ng survey ng Social Weather Station o SWS.
Batay kasi sa resulta ng survey ay bumaba sa 9.5% ang hunger rate sa bansa sa unang bahagi ng 2019.
Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel at Presidential Spokesman Secretary Salvador Panelo, base sa SWS survey ay mataas ang ibinaba ng hunger rate sa metro Manila sa 6.6% mula sa 18.3% noong desyembre ng 2018 at 11.7% noong nakaraang buwan.
Sinabi ito na ito ay epekto ng mga ginawang hakbang ni Pangulong Duterte sa pagpapababa ng presyo ng bilihin at pagbibigay ng mga pangunahing serbisyo sa mamamayan lalo na sa mga mahihirap na Pilipino.
Kinikilala namana niya nila na mayroon paring mga mahihirap na Pilipino ang nagugutom kaya naman hindi aniya humihinto si Pangulong Duterte sa pagpapaganda ng socioeconomic status ng bawat Pilipino at ibigay sa mga ito ang mas komportableng pamumuhay.
Marami na aniya ang nagawa ng administrasyon sa nakalipas na tatlong taon at asahan aniya na mas marami pa ang magagawa ni Pangulong Duterte sa natitira nitong panahon sa Malacanang.
Kabilang aniya sa mga nagawa na ng Administrasyon ay ang pgbibigay ng libreng gamot sa mga mahihirap, libreng edukasyon sa mga state colleges and universities, libreng irigasyon, universal health care ara marami pang iba na resulta ng matinding political will ni Pangulong Duterte.