Manila, Philippines – Ikinatuwa ng Palasyo ng Malacañang angpagbaba ng bilang ng mga pamilyang Pilipino na nakararanas ng gutom sa bansa.
Batay kasii sa Survey ng Social Weather Station aylumalabas na bumaba ng 2% ang bilang ngmga pamilyang nagugutom sa nakalipas na 3 buwan. Noong 1st quarter kasi ng 2017ay lumalabas na 11.9% ang involuntary hunger rate mula ito sa 13.9% noong hulingbahagi ng 2016.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, patunaylamang ito na gumagana ang poverty alleviation program ng Pamahalaan atnakararating ito sa pinaka mahihirap na Pilipino.
Ibinida ni Abella ang ilan sa mga programang ipinatutupadng pamahalaan partikular ang conditional cash transfer program, mas mataas napension para sa mga senior citizens at libreng gamut para sa mga mahihirap.
Sinabi pa ni Abella na magpapatuloy pa ang pamahalaan sapagtulong sa mga mahihirap sa pamamagitan ng mas maayos na serbisyo atpagbibigay ng maraming oportunidad para sa mga Pilipino.
Pagbaba ng bilang ng mga nagugutom sa bansa Welcome sa Malacañang
Facebook Comments