Manila, Philippines – Ikinatuwa ng Malacañang angpinakahuling survey ng Social Weather Stations (SWS) kung saan sinasabingbumaba ang bilang ng mga nagugutom na pinoy.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, patunayito na epektibo at nakakarating sa pinakamahihirap na pamilyang pilipino angmga programa ng gobyerno.
Batay kasi sa survey ng SWS, bumaba ng 2 percent angbilang ng mga pamilyang nagugutom sa nakalipas na tatlong buwan.
Noong 1st quarter kasi ng 2017, nasa 11.9 percent na langang involuntary hunger rate mula dating 13.9 percent noong huling bahagi ng2016.
Ibinida naman ni Abella ang mga programa ng gobyerno gayang conditional cash transfer program, mas mataas na pension para sa mga seniorcitizens at libreng gamot para sa mahihirap.
Aniya, magpapatuloy pa ang pamahalaan sa pagtulong sa mgamahihirap sa pamamagitan ng mas maayos na serbisyo at pagbibigay ng maramingoportunidad para sa mga pilipino.
Pagbaba ng bilang ng mga pamilyang pilipino na nagugutom – ikinatuwa ng Malacañang
Facebook Comments