Kinumpirma ng DOH ang pagbaba ng 10% sa mga pinoprosesong COVID-19 tests ng mga laboratoryo ngayong linggong ito.
Ayon sa DOH, maging sa National Capital Region (NCR) ay bumaba rin ng 14% ang mga ginagawang COVID tests.
Kinumpirma rin ng DOH na ngayong araw lamang ay bumaba ang testing output sa NCR.
Kaugnay nito, iniimbestigahan na ng DOH ang pagbaba ng testing output at nakikipag-ugnayan na rin sila sa Local Government Units (LGUs).
Kinumpirma naman ng Health Department na operational naman ang lahat ng laboratories noong martes, maliban lamang sa apat na laboratoryo na hindi nakapagsumite ng data sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).
Facebook Comments