Pagbaba ng bilang ng mga walang trabaho, good news para sa Palasyo

Ikinalugod ng Palasyo ng Malakanyang ang resulta ng pinakahuling Labor Force Survey ng Philippine Statistics Authority (PSA) kung saan lumalabas ang pagbaba sa bilang ng mga Pilipinong walang trabaho sa bansa.

Sa survey, nakasaad na mula sa 3.96 million na unemployed Filipinos noong January 2021 ay nasa 2.93 million na lamang ito nitong January, 2022.

Ayon kay acting Presidential Spokesperson at Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar, bunsod ito ng epektibong istratehiya ng pamahalaan at pagpapatupad Alert Level System.


Bunsod din aniya ito ng pagsailalim sa Alert Level 1 ng ilang lugar sa bansa.

Kaugnay nito, tiniyak ng kalihim na ang pamahalaan ay magpapatuloy lamang sa pagbibigay ng targeted relief para sa transport sector, agriculture sector, at sa pinakamahihirap na pamilya, sa gitna ng nararanasang epekto ng oil price hike.

Facebook Comments