Pagbaba ng bilang ng mga walang trabaho, hindi sapat ayon sa isang senador

Nanindigan si Senator Christopher “Bong” Go na kahit bumaba na ang bilang ng mga walang trabaho, hindi pa rin dapat magpaka-kampante ang gobyerno.

Sinabi ni Go na hindi dapat tumigil ang pamahalaan sa paggawa ng paraan para malampasan ang krisis at mabigyan ng trabaho ang maraming Pilipino.

Aniya maging siya mismo, ay patuloy na magsusulong at susuporta sa mga panukala tulad ng CREATE Bill na hihikayat sa mga investors na mamuhunan sa bansa para magkaroon ng maraming trabaho.


Kaugnay nito, nanawagan si Go sa gobyerno na huwag pabayaan ang mga Pinoy lalo na ang mga mahihirap sa pamamagitan ng pagbibigay ng tamang serbisyo.

Facebook Comments