Pagbaba ng COVID-19 cases, artificial lamang – DOH

Naniniwala ang Department of Health (DOH) na ang pagbaba ng bilang ng kaso ng COVID-19 ay nananatiling ‘artificial’ lamang.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, nagkaroon ng pagbaba ng mga kaso nitong nakaraang dalawang linggo.

Pero kailangan aniyang mag-ingat sa pagbasa ng mga datos dahil posibleng pansamantala lamang ang pagbaba ng mga kaso.


Sinabi ni Vergeire na dapat maghintay ng susunod pang mga araw.

Posible sa susunod na linggo ay malalaman kung nagkaroon ng epekto ang pagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) at Modified ECQ (MECQ).

May ilang mga laboratoryo na hindi nagbukas noong nakaraang linggo at ilang laboratoryo ang hindi nakapagsumite ng kanilang report.

Samantala, asahan na marami pa ang maitatalang bilang ng mga gumaling simula ngayong linggo dahil napagpasyahan ng DOH na gawin itong “time-based” ang recovery system.

Facebook Comments