Pagbaba ng COVID-19 cases, hindi agad makikita sa isang linggong ECQ – DOH

Hindi agad makikita ang pagbaba sa bilang ng mga tinatamaan ng COVID-19 kahit umiiral ang Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa Metro Manila at ilang karatig probinsiya.

Ayon kay Department of Health (DOH) Undersecretary Maria Rosario Vergeire, masyadong maikli ang isang linggong ECQ para makita ang epekto nito sa bilang ng mga kaso.

Sa katunayan, maaari pang tumaas ang COVID-19 cases sa pagtatapos ng ECQ sa Abril 4.


Aminado rin si Vergeire na may mga dapat pang ma-improve sa sistema ng pamahalaan ngunit may parte rin ang publiko.

Kabilang na rito ang pagsunod sa health protocols na ipinatutupad ng pamahalaan gaya ng pagsusuot ng face mask at face shield at social distancing.

Batay sa tala ng OCTA Research Group, bumaba na ang reproduction number sa 1.86 sa National Capital Region mula 2.05 matapos isagawa ang “NCR Plus” bubble.

Facebook Comments