Bahagyang bumagal ang pagbaba ng naitatalang bagong kaso ng COVID-19 sa buong bansa.
Ayon kay Dr. Alethea de Guzman, OIC-Director ng DOH Epidemiology Bureau, nakapagtala ang bansa ng 4,183 na bagong COVID cases mula October 26 hanggang November 1.
Ito aniya ay bumaba lamang ng 14 percent mula sa 4,886 average cases noong October 19 hanggang 25.
Dahil dito, sinabi ni De Guzman na ang negative growth rate sa mga kaso sa bansa ay posibleng maging positive kung magpapatuloy ang ganitong trend.
Facebook Comments