Pagbaba ng COVID-19 cases sa bansa, hindi ‘artificial’ ayon sa DOH

Iginiit ng Department of Health (DOH) na hindi “artificial” ang nakikitang pagbaba ng kaso ng COVID-19 sa bansa.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, bukod sa bilang ng naitatalang kaso, pinagbasehan din nila ang bumababang bilang ng hospital admission at ang positivity rate.

Batay sa COVID-19 tracker ng DOH, hanggang noong Sabado, October 9, nasa 56.5% na lamang o 23,073 mula sa kabuuang 40,830 na kama ang okupado.


Habang 70.48% o 3,137 na lamang mula sa 4,451 na ICU beds ang okupado.

Aminado naman si Vergeire na nananatili pa ring mataas ang bed at ICU utilization sa Metro Manila.

Pero kung magtutuloy-tuloy aniya ang pagbaba ng COVID-19 cases sa bansa, ay posibleng mapaluwag na ang restriksyon pagsapit ng Pasko.

Facebook Comments