Pagbaba ng COVID-19 cases sa bansa, hindi artificial – DOH

Nilinaw ng Department of Health (DOH) na hindi ‘artificial’ o gawa-gawa ang patuloy na pagbaba ng kaso ng COVID-19 sa bansa.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, nakakapagtala na lamang ang bansa ng 2,888 na average cases kada araw.

Habang nag-a-average na lamang sa 493 ang kaso kada araw sa National Capital Region (NCR) kumpara sa mahigit na limang libong kaso noong kasagsagan ng COVID-19 surge.


Sa kabila nito, sinabi ni Vergeire na mayroon pa ring mga ospital na puno ang COVID beds capacity lalo na ang Intensive Care Unit (ICU) dahil sa mas matagal na nilalagi ng severe at critical na mga pasyente.

Facebook Comments