Pagbaba ng crime rate sa bansa, ikinatuwa ng Malacañang

Manila, Philippines – Ikinatuwa ng Palasyo ng Malacañang ang patuloy na pagbagsak ng kaso ng ibat-ibang krimen sa lansangan tulad ng holdup at physical injury.
Batay kasi sa survey ng Social Weather Station sa 2nd quarter ng taon kaugnay sa crime victimization ay nakita na bumaba ng 11% ang bilang ng mga adik sa buong Metro Manila mula buwan ng Marso hanggang June 2017.
Bumaba din ang bilang ng mga nangangamba na baka sila ay mabiktima ng krimen mula sa 54% noong Marso patungo sa hanggang 51% nitong June 2017.
Base din sa nasabing survey ay bumaba ng 3.2% ang ibat-ibang krimen sa loob ng 6 na buwan.
Pero sa kabila nito ay sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella na kailangan paring dagdagan ang pagsisikap na maging ligtas ang mga lansangan hindi lang sa kamaynilaan kundi sa buong bansa.

Facebook Comments