Ikinatuwa ngayon ng mga konsyumer ng Dagupan Electric Corporation o DECORP ang pagkakaroon ng pagbaba sa presyo ng generation rate ngayon buwan ng Pebrero.
Base sa anunsyo ng naturang power electric provider, magiging Php7.2914/kWh ngayong buwan ng Pebrero kung saan mas mababa ng Php1.1952/kWh kumpara sa singil noong Enero 2023.
Sa pagtatanong-tanong ng IFM Dagupan sa ilang mga konsyumer sa Dagupan City, malaking tulong umano ito upang mabawasan din ng kaunti ang kani-kanilang mga binabayaran sa kabila ng pagtaas ng ilang mga bilihin.
Bumaba ang average rate ng DECORP para sa mga residential customers nito na mayroong 100/kWh average na konsumo ngayong buwan mula sa rate noong nakaraang buwan na Php14.00/kWh hanggang sa humigit-kumulang labindalawang piso kada kWh.
Ang distribusyon, supply at metering charges ng DECORP ay nananatili mula pa noong 2015 habang ang generation charge ay nagbabago buwan-buwan.
Samantala, pinapayuhan ang mga konsyumer na bayaran ang mga buwanang bayarin bago ang kanilang takdang petsa ng deadline.
Maaari ring magbayad sa mga accredited payment centers gaya na lamang ng mga bangko, malls at ECPay upang maiwasan ang disconnection. | ifmnews
Facebook Comments