
Ngayong araw ibababa ang hatol ng Sandiganbayan laban kay dating Senador at ngayo’y Chief Presidential Legal Counsel Juan Ponce Enrile sa kaso nitong katiwalian na may kaugnayan sa Priority Development Assistance Fund (PDAF) Scam o Pork Barrel Scam.
Matapos itong ipagpaliban ang promulgation ng ruling noong September 12.
Ayon kay Division Clerk of Court Dennis Pluma sa huling inilabas na ruling nakaraang buwan na ang dahilan kung bakit na-defer ang ruling dahil kinakailangan pa ito ng further delibiration.
Sa ngayon ay inaantabayanan ang pagdating ni Enrile sa Sandiganbayan upang harapin ang hatol ng korte.
Isa si Enrile sa sangkot sa paggamit ng P172 million na PDAF funds kasama ang former chief of staff nito na si Gigi Reyes at negosyanteng si Janet Lim Napoles.









