Pagbaba ng hatol sa mga akusado sa Maguindanao Massacre case, itinakda na

Itinakda na ng Quezon City Regional Trial Court ang petsa ng promulgasyon sa Maguindanao Massacre case.

Batay sa pasya ng Judge Jocelyn Solis-Reyes ng branch 221, December 19, 2019 dakong alas 9:00 ng umaga ang pagbaba ng hatol sa mga akusado sa kaso.

Gaganapin ang promulgation sa Quezon City RTC-Annex sa Camp Bagong Diwa, Bicutan, Taguig.


November 23, 2009 nangyari ang Maguindanao massacre o 10 taon na ang nakakaraan nang mangyari ang karumal-dumal na krimen na ikinamatay ng 58 katao, kabilang na ang 32 mamamahayag.

Facebook Comments