Pagbaba ng immunity dahil sa hindi pagpapa-booster, posibleng maging dahilan ng COVID surge sa Mayo

Isa sa mga nakikitang factor ng National Vaccination Operations Center (NVOC) sa posibleng paglobong muli ng kaso ng COVID-19 sa bansa sa Mayo ay ang mababang bilang ng mga nagpapa-booster shot.

Sa Laging Handa public press briefing sinabi ni NVOC Chairperson at Health Usec. Myrna Cabotaje, na marami kasing fully vaccinated ang hindi pa nagpapa booster shot ang bumababa na ang immunity o proteksyon mula sa virus.

Sa datos ng Department of Health (DOH) nasa 12.6 million pa lamang ang naturukan ng booster shot at mayroon pang 36-M ang kailangang mabigyan ng booster dose.


Katwiran nito, importanteng mabigyan ng 3rd dose ang mga 18yrs old and above para magkaroon ng karagdagang proteksyon mula sa virus lalo na’t nananatili pa rin ang banta ng COVID-19.

Facebook Comments