Pagbaba ng Index Crime sa Echague, Tinalakay!

Echague Isabela- Patuloy na pinaiigting ng Echague Police Station ang kanilang mga aktibidad at mga programa na may kaugnayan sa pagpapanatili sa kapayapaan at katahimikan sa kanilang bayan.

Ito ang ibinahaging impormasyon ni Echague Deputy Chief of Police Edgar Pagulayan sa naging talakayan sa programang Sentro Serbisyo ng RMN Cauayan kahapon Hunyo 30, 2018.

Batay sa datos na ibinahagi ni Police Inspector Pagulayan, mula umano buwan ng Abril hanggang Hunyo noong 2017 ay may naitala umanong labing isang kaso sa index crime kumpara ngayong taon sa parehong buwan ay nasa limang kaso lamang ang naitala at bumaba ito ng 54.5%.


Dagdag pa rito, bumaba din umano ang mga naitalang none index crime sa kanilang bayan dahil sa 1st quarter ng 2017 ay nakapagtala sila ng animnapu’t syam na kaso samantalang sa 1st quarter naman ngayong 2018 ay nasa dalawampu’t siyam lamang ang naitala at bumaba umano ito ng 57.9%

Ayon pa kay PI Pagulayan, sa ngayon ay puspusan din umano sila sa kanilang pagsasagawa ng OPLAN Tambay kung saan karamihan sa mga nahuhuli ay mga kabataan.

Paalala naman ni PI Pagulayan na dapat sa oras na alas dyes ng gabi hanggang alas kwatro ng umaga ay wala na umanong mga kabataan ang pakalat-kalat sa mga lansangan para mapanatili ang kanilang kaligtasan at makaiwas sa pagkasangkot sa iligal na gawain.

Facebook Comments