Pagbaba ng inflation rate sa 4.8% nitong Setyembre, welcome para sa NEDA

Welcome sa National Economic and Development Authority (NEDA), ang naitalang bahagyang pagbagal sa inflation o antas ng pagtaas ng presyo ng bilihin nitong Setyembre.

Ito ay matapos lumabas sa ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) na 4.8 percent na lamang ang inflation nitong September kung saan malaki ang ibinaba sa food inflation.

Ayon kay Socioeconomic Planning Secretary Karl Chua, indikasyon itong gumagana na ang mga ipinatupad na policy interventions ng pamahalaan, gaya ng Executive Order 133 at 134, na naging susi upang maging stable ang presyo ng mga bilihin.


Pero gayunman, kailangan pa rin ng calibrated interventions upang mas mapababa pa ang halaga ng pangunahing bilihin.

Isa rito ang rekomendasyong pagbabawas sa restrictions sa minimum access volume plus.

Facebook Comments