Hindi umano ramdam ng mga Dagupeño ang sinasabing pagbaba umano ng inflation rate sa bansa dahil sa kabi-kabilaang pagtaas ng presyo ng pangunahing pangangailangan gaya na lamang ng bigas at oil price hike.
Gaya na lamang ni Kuya Jess na nagmamay-ari ng isang sari-sari store sa isang island barangay na nahihirapan ng mag-avail ng sako sako ng bigas dahil sa pagtaas ng presyo nito kung saan nasa isang daang piso na ang kada sako.
Aniya, hindi umano nila nararamdaman ang pagbaba ng presyo ng mga bilihin dahil kung mayroon man ay hindi rin nila tataasan ang patong ng kanilang mga itinitinda at kahit nagrereklamo na ang ilang mga bumibili sa kanya dahil sa taas ng patong ay wala naman umano siyang magagawa dahil hindi nito mababawi ang kanyang pinuhunan kung hindi niya dadagdagan ang presyo.
Ngunit sa anunsyo ng Philippine Statistics Authority, ang Headline Inflation o Overall Inflation ng Pilipinas ay bumagal pa sa 4.7 percent noong Hulyo 2023 mula sa 5.4 percent noong Hunyo 2023.
Iginiit naman ng grupong Alliance of Concerned Teachers Philippines, bilang mga manggagawa rin sa bansa, sinabing hindi naman nila naramdaman ang patuloy na pagbaba ng inflation rate sa nakalipas na anim na buwan at patuloy pa rin umano ang pagtaas ng presyo ng mga basic commodities na siyang nararanasan araw-araw ng mga tulad nilang normal na mangagawa. |ifmnews
Facebook Comments