Pagbaba ng kaso ng dengue sa Metro Manila, nakikita na pero nananatili pa rin itong mataas kumpara sa datos noong 2021

Nakikita na ng Metro Manila Center for Health Development ang pagbaba ng kaso ng dengue sa National Capital Region (NCR).

Ngunit ayon kay Metro Manila CHD Assistant Director Dr. Aleli Sudiacal, mas mataas pa rin ang naitalang 12,869 dengue cases mula January 1 hanggang September 5 ng 111 percent kumpara sa kaparehas na panahon noong 2021.

Sa naturang bilang 2,544 dito o 20% ng dinapuan ng dengue sa NCR ay pawang mga batang lima hanggang siyam na taong gulang.


Paliwanag ni Sudiacal, mas mababa ang kaso ng naturang sakit noong nakaraang taon dahil kakaunti lamang ang lumalabas kabilang dito ang mga bata.

Dahil dito, paiigtingin nila ang mga hakbang upang maiwasang tamaan ng dengue ang mga estudyante lalo na at nagsimula nang ipatupad ang in-person classes sa maraming lugar sa rehiyon.

Facebook Comments