Pagbaba ng kaso ng monkeypox sa buong mundo, nakikita na ng WHO

Nakikitaan na ng World Health Organization (WHO) ng senyales ng paghupa ng monkeypox outbreak.

Ito ay matapos na makapagtala ng WHO ng 21% na pagbaba sa kaso ng monkeypox sa buong mundo.

Ayon kay WHO Director-General Tedros Adhanom Ghebreyesus, Itinuturing niya na ang mabisang pagpapatupad ng health protocols ang siyang nagiging susi sa pagpapapababa ng kaso.


Magugunitang noong Hulyo ay idineklara ng WHO bilang global health emergency ang monkeypox na mayroong mahigit 41,000 na kaso at 12 na nasawi sa 96 bansa na ang karamihan ay sa Amerika.

Facebook Comments