Manila, Philippines – Kinondena ni Human Rights Watch Deputy Director for Asia Phelim Kine ang pagbaba ng kaso ni Supt. Marvin Marcos mula murder papuntang homicide.
Pero hindi na raw nagulat ang human rights advocate sa desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na ibalik at i-promote pa nga sa serbisyo si Marcos dahil sa pagtupad nito sa utos ng Pangulo laban sa iligal na droga.
Ang naturang desisyon aniya ng Pangulo ay naghihikayat lamang sa mga pulis na malayang pumatay ng walang kasamang parusa.
Una nang pumalag ang abogado ni dating Albuera Mayor Rolando Espinosa na si Atty. Lailani Villarmino sa pang-down grade ng kaso ni Marcos at labing siyam na kasama nito, gayung malinaw sa pagdinig ng senado at imbestigasyon ng NBI na talagang binalak patayin ang kanyang kliyente.