Manila, Philippines – Minaliit ng Commission on Human Rights (CHR) ang sinasabing pagbaba ng antas ng kriminalidad sa bansa.
Ayon kay CHR spokesperson Jackie De Guia, hanggat hindi pa rin nabibigyang linaw ang mga vigilante killings at kaalinsabay ng duda sa mga kaso ng nanlaban sa mga police operations, hindi ito maaring ipagmalaki na palatandaan ng isang maayos na kalagayang panseguridad at pangkapayapaan sa bansa.
Aniya, bawat insidente ng pagkamatay sa war on drugs ay maituturing pa rin na murder at homicide.
Idinagdag ni De Guia na mas mainam na humalaw ang PNP ng pagninilay o repleksyon sa SWS Survey na nagsasabing may pangamba ang bawat ordinaryong mamamayan sa kaniyang seguridad sa gitna ng digma sa droga.
Facebook Comments