PAGBABA NG LEBEL NG TUBIG SA SAN ROQUE DAM, MAITUTURING NA NAKAKAALARMANG SITWASYON

Patuloy sa pagbaba ang lebel ng tubig ng San Roque Dam sa bayan ng San Manuel, Pangasinan.

Ayon sa pinakahuling ulat ng San Roque Power Corporation nito lamang July 12, 2021 sa nasabing bayan, ay bumaba umano ang lebel ng tubig sa naturang imbakan na nasa 227 meters above sea level (MASL) na lamang kung saan maituturing na nasa “Alarming Situation” ang dam sa ngayon.

Dagdag pa ng nangangasiwa sa dam at ng National Irrigation Administration, kung magpapatuloy ang pagbaba ng lebel ng tubig hanggang July 15 mula sa 225 meters above sea level ay malaki umano posibilidad na hindi na ito makakapag-operate sa loob ng walong oras at hindi na rin ito nakakapag produce ng nasa 115 megawatts kung saan mapuputol din ang suplay ng irigasyon sa mga nasasakupang lugar ng dam.


Ayon naman sa NIA, nasa tatlumpu’t isang ektarya ng mga sakahan ang inaasahang maaapektuhan sa kakulangan ng irigasyon ng tubig kung hindi matutuloy-tuloy ang pag-ulan sa lugar.

Facebook Comments