Posibleng ibaba sa Alert Level 1 ang Metro Manila sa Disyembre kung magpapatuloy ang pagbaba ng kaso ng COVID-19 sa rehiyon.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, kailangan mapanatili ng National Capital Region (NCR) ang mababang kaso ng sakit sa mga susunod na linggo.
Dagdag pa ni Vergeire, nais din nilang makitang negatibo ang 2-week growth ng rehiyon para maikonsidera nila ang pagluwag ng restriksyon.
Base sa ulat ng OCTA Research, mayroon 427 average COVID-19 cases ang Metro Manila kada araw.
Mas mababa ito ng 5 porsyento kumpara sa nakalipas na linggo.
Sa kabila nito, nananatiling mababa ang testing sa rehiyon.
Sakaling ipapatupad ang Alert Level 1 ay unang beses na bubuksan ang lahat ng establisyimento.
Sa ngayon, nasa Alert Level 2 ang NCR hanggang November 30, 2021.