Pagbaba ng mga daily COVID-19 cases sa bansa, dahil sa vaccination program ng pamahalaan – Pangulong Rodrigo Duterte

Ikinatuwa ni Pangulong Rodrigo Duterte ang patuloy na pagbaba ng mga naiitalang bagong kaso ng COVID-19 kada araw.

Sa kaniyang ‘Talk to the People’ kagabi, sinabi ng pangulo na malaking bagay ang nagpapatuloy na vaccination program ng pamahalaan para mapababa ang hawahan ng COVID-19.

Kaugnay nito, inako ng pangulo ang sisi sa hindi agad pagdating noon ng mga supply ng bakuna lalo na’t maraming mayayamang bansa ang nauna sa atin na bumili.


Facebook Comments