Pagbaba ng minimum proficiency levels ng mga mag-aaral sa bansa, magiging malaking hamon sa ahensiya – DepEd

Inamin ng Department of Education (DepEd) na magiging isang malaking hamon sa kanila ang ulat na mayorya ng mga Pilipinong mag-aaral ay mababa sa minimum proficiency levels o lebel ng kaalaman.

Ayon kay Education Undersecretary Nepomuceno Malaluan, bagama’t tinatanggap nila ang ulat ay nakakalungkot na nakita sa resulta na malayo ang bansa sa sukatan ng mga literacies mula sa international standards.

Pinuna naman ni Malaluan ang World Bank dahil sa paghawak nito sa ulat at sinabing hindi man lamang ipinaabot sa kanilang tanggapan ang resulta upang mapag-aralan bago ilabas sa publiko.


Matatandaang una na ring pinuna ng Malakanyang ang naging resulta ng survey kung saan 80 porsyento ng mga Pilipinong mag-aaral ay mas mababa ang kaalaman kumpara sa kanilang lebel sa paaralan.

Bumagsak din ang Pilipinas sa huling pwesto para sa mga asignaturang pagbasa habang ikalawa bago ang panghuli para naman sa science at mathematics.

Facebook Comments