Pagbaba ng NCR sa Alert Level 3, inalmahan ng grupo ng mga doktor

Pinalilinaw ng grupo ng mga doktor sa pamahalaan ang mga naging basehan nito para ibaba sa Alert Level 3 ang Metro Manila.

Ayon kay Philippine College of Physicians President Dr. Maricar Limpin, hindi sapat na nakikita lang na bumababa ang kaso ng COVID-19 sa rehiyon.

Aniya, hindi rin tugma ang datos na ipinapakita ng pamahalaan sa kasalukuyan sitwasyon at nararanasan ng mga health workers sa mga ospital.


Giit pa ni Limpin, importante na may nakahandang intervention ang pamahalaan sakaling makakita ng senyales ng muling pagtaas ng mga kaso ng COVID-19.

Kasabay nito, pinayuhan ni Limpin ang publiko na maging maingat pa rin kahit ibaba ang alert level sa Metro Manila dahil marami pa ang hindi bakunado.

Facebook Comments