Pagbaba ng presyo ng bigas at iba pang commodity, isa sa posibleng dahilan ng pagbagal ng inflation nitong Hunyo —Palasyo

Magandang balita para sa Palasyo ang naitalang 0.9 % inflation rate nitong Hunyo na itinuturing na pinakamababang inflation sa nakalipas na anim na taon.

Sa press conference dito sa New Delhi, India, sinabi ni Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro na sa panahong maraming sirkumstansiyang naganap na maaaring makaapekto sa halaga ng produkto ay mahirap talagang bumaba ang inflation.

Ilan aniya sa posibleng factor ay ang war conflict ng ibang mga bansa gayundin ang taripang ipinataw ng US.

Pero sa kabila nito, posibleng nakaapekto ang pagbaba ng presyo ng bigas at iba pang commodity gaya ng gulay sa pagbagal ng inflation rate.

Kumpiyansa rin ang Palasyo na magtutuloy-tuloy ang magandang estado ng inflation ng bansa basta’t huwag lamang magkaroon ng mabigat na external factors.

Facebook Comments