Pagbaba ng presyo ng bigas, malaking tulong sa pagbaba ng Inflation Rate ayon sa pamahalaan

Inihayag ngayon ng Department of Finance o DOF na ang pagbaba ng presyo ng bigas ay nagkaroon ng malaking tulong para mapababa din ang inflation rate sa bansa.

Ayon sa DOF Strategy, Economics and Results Group, malaki ang naging impact ng pagpasa ng R.A. 11203 o Rice Tarrification Law dahil nawala ang Quantitative Restrictions (QRs) sa pag-import ng mga bigas.

Karamihan sa mga nagbe-benepisyo nito ay ang mga mahihirap na Pilipino na gumagastos ng dalawampung porsyento sa kanilang budget ng pambili ng bigas.


Dahil din dito, inaasahan na mababawasan ang kahirapan, malnutrisyon at kagutuman bago matapos ang taon kung saan makakabili na mga Pinoy ng mura ay dekalidad na bigas sa merkado.

Mula naman noong August 31, 2019 nakakolekta ang pamahalaan ng nasa 9.2 Bilyung pisong buwis mula sa 1.5 Million metric tons na inangkat na bigas ng mga pribadong sektor matapos ipatupad ang Rice Tarrif Law.

Facebook Comments