Pagbaba ng presyo ng bigas namo-monitor na rin ng DA sa mga palengke sa NCR

Namo-monitor na rin ng Department of Agriculture (DA) ang pagbaba ng presyo ng bigas sa mga palengke sa Metro Manila.

Sa Bantay Presyo ng DA, pinakamababang nakikitang presyp ng bigas ay ₱40 kada kilo na regular milled rice na local supply habang bumaba rin sa ₱43 kada kilo ang local well-milled rice.

Ayon sa DA bumaba na rin ang presyo ng lokal na premium rice sa ₱49 kada kilo habang ₱54 kada kilo ang special rice.


Samantala, umaasa naman ang DA na lalo pang bababa ang presyo habang patuloy na dumadami ang supply ng bigas sa merkado.

Facebook Comments