Sa kabila ng pagbaba ng presyo ng mga langis ngayong linggo kung saan bumaba ngayong araw ng Martes ika-9 ng Mayo ay ilan sa mga pampasaherong tricycle drivers sa Dagupan City ang hindi pa rin ramdam ang pagbaba nito.
Samantala, sa naging panayam ng iFM Dagupan sa ilang tricycle drivers sa lungsod gaya na lamang ni Dante Dagarag ang Presidente ng isang TODA sa lungsod ay kahit bumaba ang presyo ng langis ngayon ay hindi pa rin umano niya ramdam na bumaba ito dahil sa taas ng presyo ng ibang mga bilihin.
Ayon pa sa ilang drivers ay kahit na bumaba o tumaas ng presyo ng mga langis ay wala naman umano silang choice kundi bibili at bibili pa rin umano sila dahil hindi aandar ang kanilang sasakyan nila.
Dagdag pa ng mga ito, na kahit mataas ang mga bilihin ang mahalaga umano ay hindi ganun kahigpit ang restrictions dahil nakakapagsada kami ng maayos.
Samantala, ngayong araw, ika-9 ng Mayo, epektibo ang presyo ng mga gasolina gaya na lamang ng kerosene na bumaba ng nasa P2.55 kada litro, bumaba rin ang presyo ng Diesel ng nasa P2.77 kada litro, nag-rollback rin ang gasolina na nasa P2.20 kada litro.
Base sa mga oil companies sa bansa, ito na ang ikatlong sunod na linggo na nagkaroon ng big-time rollback sa mga gasolinang nabanggit.
Ayon pa sa Department of Energy gumalaw ang mga presyo dahil din sa paggalaw ng mga langis sa World Market. |ifmnews
Facebook Comments