PAGBABA NG PRESYO NG PRUTAS, INAASAHAN MATAPOS ANG BAGONG TAON

Posibleng bumaba ang presyo ng ilang prutas sa mga pamilihan matapos ang Bagong Taon, ayon sa mga fruit vendors sa lungsod.
Sa panayam ng IFM News Dagupan, inihayag ng ilang tindero na bagamat naging malakas ang bentahan nitong Disyembre 31, marami pa rin silang natirang paninda.
Dahil dito, napipilitan umano silang ibaba ang presyo upang mabawi ang kanilang puhunan at maiwasang masayang ang mga prutas.

Kung hindi naman maibenta ang lahat ng prutas, kadalasang ginagamit na lamang ito bilang pagkain para sa mga hayop, ayon pa sa kanila
Samantala, inaasahang babalik sa normal ang presyo ng prutas at ang daloy ng kalakalan makalipas ang isang linggo, kung kailan unti-unting babalik ang demand sa mga pamilihan.
Ang pagbaba ng presyo ay nagbibigay ng pagkakataon para sa mga mamimili na makabili ng mas murang prutas habang sinisiguro rin ng mga vendors na hindi masayang ang kanilang mga produkto. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments