Binalewala ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang Henley and Partner’s Passport Index.
Ayon kay DFA Office of Consular Affairs Executive Director Maria Alnee Gamble, “opinion-based” lamang ang pag-aaral.
Bukod dito, ang mga ipinapatupad na travel ban bunga ng COVID-19 pandemic ay nakaapekto sa kapangyarihan ng Philippine passport.
Iginiit din ni Gamble, na hindi na pinapayagan sa international standards ang validity ng pasaporte na lalagpas pa sa 10 taon.
Aniya, magkakaroon ng problema ang mga senior citizens sa borders lalo na at maaaring kwestyunin ng immigration officers o border guards ang kanilang pagkakakilanlan.
Lumabas sa pag-aaral na bumaba ng walong pwesto ang Pilipinas sa listahan ng mga bansang may makapangyarihang pasaporte para sa taong 2021.
Mula sa 74th rank noong nakaraang taon ay bumaba ang Pilipinas sa 82nd place.