Manila, Philippines – Hindi na ikinagulat pa ng Palasyo ng Malacañang ang pagbaba ng ratings ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pinaka huling survey ng Social Weather Station o SWS.
Batay kasi sa survey ng SWS na ginawa noong Setyembre 23-27 ay bumaba sa 48% ang satisfaction ratings ng Pangulo mula sa 66%.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, ang survey ay isang snapshot lamang ng damdamin ng publiko sa isang ispesipikong panahon o pagkakataon.
Inaasahan narin aniya nila ito dahil tapos na ang honeymoon period ng administrasyon at naghahanap narin ng reaulta o pagbabaho ang ilan sa ating mga kababayan.
Binigyang diin pa ng Pangulo na mayorya parin ng pilipino ang nagtitiwala sa administrasyon at kay pangulong Duterte.
Tiniyak naman ni Abella na hindi ito makakaapekto sa performance o pagtatrabaho ng administrasyon at magiging dahilan pa aniya ng kanilang pagpupursige para maibigay sa taumbayan ang maginhawang pamumuhay.