Pagbaba ng rating ni P-Duterte, dahil sa nabigong pangako?

Manila, Philippines – Naniniwala ang Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas ang pagbaba ng satisfaction at trust rating ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pinakahuling Social Weather Stations survey ay hindi lamang normal na galaw ng klimang pampulitika sa bansa.

Ayon sa grupong Pamalakaya, bigo si Duterte na matupad ang mga naipangakong pagbabago sa ibat-ibang sektor ng lipunan.

Ayon kay Fernando Hicap, pangulo ng Pamalakaya, nanatili pa rin ang mga polisiya na nagpapahirap sa mga mangingisda.


Ayon kay Hicap walang nagawa ang administrasyong Duterte para pigilan ang conversion ng mga katubigan ba pinangingisdaan bilang money-making ventures ng ilang maiimpluwensyang tao.

Facebook Comments