Pagbaba ng satisfaction rating sa latest SWS survey, minaliit lamang ng kampo ni VP Leni Robredo

49

Manila, Philippines – Minaliit lang ng kampo ni Vice President Leni Robredo ang pagbagsak ng satisfaction rating nito sa latest Social Weather Stations (SWS) survey.

Ayon kay Georgina Hernandez, tagapagsalita ni Robredo — nagpapasalamat pa rin aniya ang Bise Presidente dahil mayorya pa rin ng mga Pilipino ang patuloy na nagtitiwala sa kanyang pamumuno.

Para sa kampo ni Robredo, itinuturing nila ang survey bilang paaalala na mas lalo pang pagbutihin ang kanyang tungkuling mai-angat sa laylayan ang mga mahihirap na Pilipino.

Facebook Comments