Benguet – Pinaghahandaan na ng mga opisyal at ng mga magsasaka ng Atok, Benguet ang posibleng andap o frost na mararanasan doon.
Ito ay kaugnay pa rin sa patuloy na pagbaba ng temperatura sa lungsod ng Baguio at sa lalawigan ng Benguet kung saan posibleng magresulta sa pagkasira ng mga pananim na gulay doon ang andap.
Kabilang ang Atok sa mga lugar sa Benguet na kadalasang nakakapagtala ng pinakamababang temperatura na nagreresulta upang maranasan ang frost.
Matatandaan na noong nakaraang taon, malaki ang naging lugi sa sektor ng agrikultura sa Benguet matapos masira ang maraming pananim na gulay dahil sa andap.
Nabatid na nitong sabado lamang ay naitala ang 11.5 degrees celsius na pinakamababang temperatura sa Baguio City ngayong Disyembre.
Facebook Comments