Pagbaba ng trust at satisfaction ratings ni P-Duterte, inaasahan na ng LP

Manila, Philippines – Inaasahan na ni Liberal Party o LP President Senator Francis Kiko Pangilinan ang pagbaba ng trust at satisfaction ratings ni Pangulong Rodrigo Duterte base sa pinakahuling survey ng Social Weather Station.

Ayon kay Pangilinan, expected ang pagbaba ng popularidad ni Pangulo Duterte dahil sa kaliwat kanang isyu laban sa administrasyon nito.

Pangunahing tinukoy ni Pangilinan ang corruption scandal sa Bureau of Customs kung saan nasasangkot ang davao group na kinabibilangan umano ng kanyang anak na si Davao City Vice Mayor Paolo Duterte.


Kasama din aniya dito ang paglusot sa BOC ng 6.5 billion pesos na shabu galing sa China.

Binanggit din ni Pangilinan ang araw-araw na kaso ng ang extrajudicial killings sa bansa at ang pagpatay umano ng mga abusadong pulis sa mga menor de edad.

Facebook Comments