Pagbaba ng unemployment at inflation habang umaangat ang ekonomiya, patunay na tama ang direksyon na tinatahak ng gobyerno

Malinaw para kay House Speaker Ferdinand Martin Romualdez na tamang direksyon ang tinatahak ng ating bansa sa ilalim ng Marcos Jr. Administration.

Diin ni Speaker Romualdez, patunay nito ang pagbaba ng unemployment o bilang ng mga walang trabaho sa Pilipinas, pagbaba din ng inflation at ang pag-angat ng ekonomiya.

Tinukoy ni Romualdez ang datus ng Philippine Statistics Authority na nasa 4.5 percent o 2.17 million na lang ang walang trabaho sa mahigit 120 million na populasyon ng bansa nitong Mayo kumpara noong nakaraang taon pag-upo ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr., na nasa 6 percent.


Binanggit din ni Romualdez ang pagbaba sa 5.4 percent ng inflation rate na nangangahulugan na bumabagal na ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin at paghina ng pera ng bansa mula sa 6.1 percent noong Mayo.

Ibinida rin ni Romualdz ang 6.4 percent na paglago ng ekonomiya.

Ipinunto ni Romualdez na kung nakamit ang mga ito sa loob lamang ng isang taon ay tiyak na marami pang magagawa ang pamahalaan para mapabuti ang buhay ng mga Pilipino sa nalalabing 5 taong termino ni Pangulong Marcos.

Facebook Comments