Pagbaba ng unemployment rate ng bansa, malaking hamon sa DOLE

Nais ng pamahalaan na mapigilang umabot sa “double digits” ang unemployment rate sa bansa.

Batay sa Philippine Development Plan, ang target na unemployment rate sa taong ito hanggang sa 2022 ay sa pagitan ng 7 hanggang 9%.

Pero ayon kay Department of Labor and Emplyoment – Bureau of Local Employment (DOLE-BLE) Director Dominique Rubia-Tutay, kailangang umabot sa 2.4 hanggang 2.8 million ang malilikhang trabaho ngayong taon at higit 1.4 million sa susunod na taon.


Malaking hamon aniya ito dahil hindi pa kailanman nagagawang umabot hanggang 2.8 million ang generated employment.

Ang unemployment rate ay umabot sa record high na 17.6 niitong Abril sa kasagsagan ng pagpapatupad ng lockdown dahil sa COVID-19 pandemic.

Bumaba ito ng 8.7% noong October 2020, pero katumbas pa rin ito ng 3.8 million na Pilipinong walang trabaho.

Facebook Comments