Pagbaba ng unemployment rate sa bansa, ipinagmalaki ng DOLE

Manila, Philippines – Ipinagmalaki ni Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello ang lumabas na survey ng Philippine Statistics Authority (PSA) na bumaba ang unemployment rate ng bansa.

Sa survey, nagtala ng unemployment rate na 5.7% kumpara sa nakaraang taon na 6.1 porsiyento.

Ayon kay Bello, matutugunan ang unemployment lalo na sa kabataan dahil ilang programa na ang isinabatas para rito.


Sa ilalim ng Philippine development plan, ibababa ang unemployment rate sa pagitan ng 3 hanggang 5 porsiyento sa taong 2022.

Facebook Comments