Pagbaba raw ng TF ni Maine Mendoza, itinanggi ng kanyang manager!

Mariing itinanggi ng kampo ng TV host – actress na si Maine “Yaya Dub” Mendoza na nagbaba sila ng talent fee ng dalaga.

Say ng talent manager ng aktres na si Rams David, presidente ng Triple A Management – na walang dahilan para magbaba ng talent fee si Yaya Dub dahil simula’t sapul ay mura na ito at effective bilang endorser si Maine kaya maraming pa rin ang nagtitiwala sa kanya.

Dagdag pa ni David – na tumataas ang presyo ng mga bilihin at dapat din itong sabayan.


Ang 24-year-old na aktres ay isa sa mga highest tax payers ng bansa pero hindi dinis-close ni David kung magkano ang binabayarang buwis ng aktres.

Facebook Comments