Ipinagmalaki ni US President Donald Trump ang pagbaba sa 13.3% ng bilang ng mga walang trabaho sa kanilang bansa.
Ayon kay Trump, ito ay resulta ng lahat ng sakripisyo, pagiging matibay at pagsisikap na ginagawa ng kanilang gobyerno.
Aniya, nagdagdag ng 2.5 million na trabaho ang US economy na may layuning mabawasan ang mataas na bilang ng mga nawalan ng trabaho bunsod na rin ng COVID-19 pandemic.
Matatandaang umabot sa 14.7% ang unemployment rate o 20.7 million na posisyon sa trabaho ang nawalan noong Abril na may pinakamasamang record mula pa noong 1948.
Facebook Comments