Nanawagan si Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion sa pamahalaan na ibaba na sa Alert Level 1 ang National Capital Region (NCR) sa Disyembre.
Ayon kay Concepcion, dapat ng luwagan ang alert level sa Metro Manila dahil patuloy naman na bumaba ang mga kaso ng COVID-19 sa rehiyon.
Hindi aniya dapat magpahinga at gawing mas agresibo ang pagbabakuna sa mga mamamayan lalo na sa mga provincial area.
Nauna nang sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III na posibleng maibaba sa Alert Level 1 ang Metro Manila kung bababa ang nationwide daily COVID-19 case sa 500 o mababa sa 1,000.
Sa ilalim ng Alert Level 1, ang lahat ng establisyimento at aktibidad ay pinapayagang magbukas, magtrabaho at isagawa sa buong venue/seating capacity.
Facebook Comments