Pagbaba sa Alert Level 3 ng buong Metro Manila, ikinatuwa ng DOLE at DOT

Ikinatuwa ng Department of Labor and Employment (DOLE) at Department of Tourism (DOT) ang naging desisyon ng Inter-Agency Task Force (IATF) na ibaba na sa Alert Level 3 ang buong Metro Manila simula bukas, October 16 hanggang 31.

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, malaking bagay ito sa ating ekonomiya, sa trabaho at sa pagbibigay ng kabuhayan para sa ating kababayan.

Habang paliwanag ni Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat, malaki ang tulong ng pag-downgrade sa Alert Level 3 ng Metro Manila para makabawi ang hotels at tourism establishments lalo’t nalalapit na ang Pasko.


Nasa 100 percent operational capacity na ang ibinigay sa staycation establishments na itinuturing na specialized markets.

Anumang edad ay maaari nang mag-check in para sa staycation ngunit tanging ang 18-anyos pataas ang papayagang mag-book.

Sa ngayon, umaasa ang dalawang ahensiya na madaragdagan pa ang operational capacity ng mga negosyo mula 30% hanggang 70% para sa mga Pilipinong apektado ng pandemya.

Facebook Comments