Pagbaba sa Alert Level 3 ng Metro Manila, para sa ibibigay na trabaho sa publiko – Malakanyang

Nilinaw ng Malakanyang na ang pagbaba sa Alert Level 3 ng National Capital Region (NCR) ay para makapagbigay ng trabaho sa gitna ng pandemya.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, kailangan bigyan ng hanapbuhay ang ating mga kababayan at hindi pwede na lagi na lang tayong naka-lockdown.

Aniya, mataas din naman ang vaccination coverage sa NCR kaya inaasahang kakaunti na lang ang tatamaan ng COVID-19.


“Pero sa Metro Manila nga po, halos otsenta porsiyento na rin ang mga bakunado so asahan natin na kung magkaka-COVID man yung tinatawag nating – Breakthrough infection eh napakakonti po nito 0.00025 nga ata ang sinabi ni Dr. Domingo no. At saka pangalawa, eh inaasahan nga natin na iyong kaunting magkakasakit na breakthrough infection ay hindi po ito seryosong magkakasakit. Hanapbuhay muna po ang ating asikasuhin ngayong 65% po ang ICU bed capacity natin.” pahayag ni Roque.

Tiniyak din ni Roque na dumaan sa evaluation at pag-aaral ng mga eksperto ang pagpapatupad ng Alert Level 3 sa Metro Manila.

Facebook Comments