Isinusulong ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na maibaba sa barangay level ang pagbabakuna kontra COVID-19 sa oras na dumating ang mga bulto ng bakuna.
Kasunod ito ng sinabi ng National Task Force Against COVID-19 na posibleng palawigin pa ng dalawang linggo ang Alert Level 4 sa Metro Manila.
Ayon sa DILG, isa ang bakuna sa mga solusyon para patuloy na mapababa ang mga kaso ng COVID-19 na kabilang sa tinitignang batayan sa alert level.
Pero gayunman, nasa national government pa rin ang desisyon kung ibababa o palalawigin ang Alert Level sa Metro Manila.
Facebook Comments