Pagbaba sa mga survey ng ilan kandidato sa pagka-pangulo, hindi ikinabahala ng kampo ni Partido Reporma Presidentiable Ping Lacson

Hindi nababahala ang kampo ni Partido Reporma Standard Bearer Panfilo “Ping” Lacson sa pagbaba ng numerong nakuha sa mga survey ng ilan kandidato sa pagka-pangulo.

Sa interview ng RMN News Nationwide kay dating House Committee on Peace and Order Chairman Rep. Romy Acop na sya ring Partido Reporma Spokersman for Peace and Security ni Sen Lacson, tila baliktad na ang nangyayari dahil kung sino pa ang may maayos at malinaw ang plataporma ay siya pa ang mababa sa mga survey habang ang iba ay puro pangako lang at hindi pa dumadalo sa mga debate.

Una nang inihayag ni Sen. Ping Lacson na ang mabisang pantapat sa resulta ng mga survey ang personal na pakikipagtalastasan sa mga tao upang harapan siyang matanong at masagot niya ang mga lokal na problemang kinakaharap ng mamamayan ng lugar na binibisita.


Sinabi rin ni Acop na isa lang ang mahalagang bilangan para sa kanila at ito ay ang resulta ng May 9, 2022 elections.

Kasabay nito, nagpasalamat si Acop sa mga presidentiables na sina Manila Mayor Isko Moreno at Sen. Manny Pacquaio sa pagpili kay Sen. Ping Lacson na iboboto bilang presidente kung hindi sila tumatakbo dahil sa mga plataporma nito.

Bunsod nito, nanawagan ang opisyal sa publiko na kilitisin mabuti ang mga ibobotong kandidato lalo na’t maraming kinakaharap na problema ang bansa.

Facebook Comments