Pagbaba sa P70 hanggang P80 na presyo ng asukal kada kilo, ginagawaan ng paraan ni Pangulong Marcos Jr.

Nagsisikap na ngayon si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na maibaba pa ang presyo ng asukal.

Sa isang panayam sa pangulo sa PinasLakas vaccination campaign event sa Maynila, sinabi nito na nakikipag-negosasyon na sila sa mga gumagawa ng asukal para ibaba ang presyo nito sa P70 hanggang P80 kada kilo.

Ito aniya ay isang paraan para maibsan ang pasakit na dala ng mataas na presyo ng asukal na kinukunsumo ng mga pamilyang Pilipino.


Sinabi ng pangulo, ayaw niyang tumagal ang panahon na may kakapusan ng suplay ng asukal.

Dapat aniya ay hindi magdulot ng banta sa pagkawala ng trabaho sa mga manufacturing sektor dahil sa kakapusan ng suplay ng asukal.

Facebook Comments